Tumutukoy ang Korea[1] (Hangul: 한국, Hanguk, ginagamit ng mga taga-Timog Korea; 조선, Joseon, ginagamit ng mga taga-Hilagang Korea) saTimog Korea[1] (Republika ng Korea) at Hilagang Korea[1] (Demokratikong Republikang Popular ng Korea) kapag pinagsama, na naging magkasamang bansa hanggang 1945. Matatagpuan sa Tangway ng Korea sa Silangang Asya, pinapaligiran ng Tsina sa hilaga-kanluran at Rusyasa hilaga-silangan. Mayroong parehong komposisyon (homogeneous) ang populasyon ng grupong etniko, ang mga Koryano, na nagsasalita ng naiibang wika (Koreano). Hinango ang pangalan mula noong panahon ng Goryeo ng kasaysayan ng Korea, na hinango din ang pangalan saGoguryeo.
Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ngUnyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib (Unification Flag) sa mga pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea.